Mag-ina utas sa akyat-bahay

PAMPANGA, Philippines  — Kamatayan ang sumalubong sa mag-ina makaraang pagtulungang saksakin ng dalawang miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa Villa Barrosa ng Barangay Dolores, San Fernando City, Pampanga kahapon. Kinilala ang mga napatay na mag-inang sina Cecil Manese de Jesus, 34; at Kayla de Jesus,11; ha­bang nasa kritikal na kalagayan ang isa pang anak na si Myca Mae de Jesus, 12. Isa sa dalawang suspek na ka­salukuyang tugis ng grupo ni P/Supt. Eden Ugale ay nakilalang si Jay Catangal Mendoza na sinasabing kapitbahay ng mag-iina.

Show comments