Mag-asawa, lola utas sa pamangkin

MANILA, Philippines - Dahil sa pagtatalo sa nawawalang malaking halaga, pinagbabaril at napatay ang mag-asawa at isa pa ng pamangking la­laki ng una sa bayan ng Ka­­patagan, Lanao del Nor­te kamakalawa.

Kabilang sa mga na­paslang ay ang mag-asawang sina Atty. Samuel Go, Jennifer Singco Go, guro sa elementarya at ang ina ni Samuel na si En­gracia Durano.

Sugatan naman si Divino Anciano, 19, panadero na tinamaan ng ligaw na bala.

Arestado naman ang suspek na si Anthony Dave Go, 20, pamangkin ni Atty. Go na nahaharap sa kasong 3 counts of homicide.

Sa police report na nakarating sa Camp Cra­me, naganap ang krimen sa loob ng Dan Steel Hardware Shop sa Barangay Poblacion na pag-aari ng pamilya Go.

Lumilitaw na ina­ku­sahan ni Atty. Go ang pa­mangkin ng pagna­nakaw ng P70,000 sa shop na humantong sa maini­tang pagtatalo.

Kasunod nito, binaril ni Anthony ang mag-asawa at ang kaniyang lola.

Show comments