Ex-police official nilikida

LUCENA CITY, Philippines  – Napaslang ang isang retiradong opisyal ng pulisya makaraang ratratin ng motorcycle-riding gunmen habang lulan ng kanyang sports utility vehicle sa bahagi ng Barangay Dalahican sa Lucena City, Quezon kahapon ng umaga. Nasapol sa ulo ng bala ng baril si retired P/Senior Inspector Ireneo Valerio, 54.Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, katatapos lamang ihatid ni Valerio ang kanyang anak sa Dalahican Elementary School nang harangin at pagbabarilin kung saan aabot sa 29 na basyo ng cal. 45 revolver ang narekober sa crime scene.

Show comments