SKumander ng NPA arestado

CAMP SIMEON OLA, LEGAZPI CITY, Philippines  — Dahil sa sobrang kalasingan matapos na tumangging magbayad sa nakonsumong alak sa tindahan, nadakma ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang lider ng mga rebeldeng New People’s Army sa Albay. Ayon kay Brig. Gen. Marlou Salazar ng Army’s 901st Infantry Brigade , sumailalim na sa tactical interrogation si Alvin Orpiada, alyas Ka Bong, kumander ng Front Committee 77. Biyernes ng gabi nang masakote si Orpiada sa bahagi ng Brgy. Libas sa bayan ng Guinobatan kung saan nahaharap sa 2- kaso ng murder at may patong sa ulong P500,000. Naaresto si Orpiada matapos magreklamo ang may-ari ng tindahan. Agad namang nagresponde ang pulisya at military at naaresto ang senglot na si Orpiada kung saan iniwan na ng mga kasa­mahang rebelde.

Show comments