2 bangkay ng piloto natagpuan

MANILA, Philippines - Tatlong araw matapos bumagsak ang chopper ng Philip­pine Navy, natagpuan na rin ang bangkay ng dalawang pi­loto noong Huwebes ng umaga sa karagatan ng Sta. Cruz Is­land, Zamboanga City. Ayon kay Navy spokesman Marine Lt. Col. Edgard Arevalo, unang nakita ang bangkay ni Lt. Junior Grade Gerald Tamayo sa kanlurang bahagi ng Lit­tle Sta. Cruz Islands bandang alas-7:11 ng umaga. Su­mu­nod na nakita ang bangkay ni Lt. Tristan Joseph Corpuz da­kong alas-7:25 naman ng umaga sa Great Sta. Cruz Island. Naunang iniulat na nawawala ang dalawa matapos mag-crash ang Bolkov helicopter PNH41 noong Martes ng umaga kung saan nakaligtas ang tatlong crew. Ka­sa­lukuyang nasa himpilan ng Naval Forces Western Min­danao sa Zamboanga City ang bangkay ng dalawa.

Show comments