P.250-milÂyong reward sa Palawan masaker ibinigay
PALAWAN, Philippines — Ipinagkaloob na ni Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn ang kalahati sa pangako nitong P.500 milyong reward sa makakapagbigay ng impormasyon para malutas ang Palawan massacre noong Lunes ng Agosto 9.
Ini-award ni Hagedorn ang P.250 milyon sa mga imbestigador at testigo na nakatulong sa paglutas sa pamamaslang kay ex-Navy Lt.Commander Ernesto Paiton, asawang si Chief Petty Officer Carmelita Paiton, anak na nurse na si Erlita Paiton, at mga pamangking sina Sharon at Renato Cabatuan.
Ang award ay hahatiin sa mga informant at mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) - Task Force Paiton.
Sa kasalukuyan, naaresto na ang pangunahing suspek na si Florencio Magada, caretaker ng pamilya Paiton sa Puerto Princesa City kung saan apat pang suspek ang pinaghahanap.
Samantala, nagpalabas na ng court order ang hukuman para sa Globe Telecom upang magpalabas ng record ng cell phone calls para kay Chief Petty Officer Carmelita Paiton para magamit sa imbestigasyon.
Matatandaang natagpuang tadtad ng saksak ang pamilyang Paiton at kanilang mga kaanak na iginapos sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Miguel, Puerto Princesa City, Palawan.
- Latest
- Trending