CAVITE, Philippines — Pinagsasaksak at napatay ang isang 47-anyos na misis habang dalawang iba pa ang nasugatan matapos muling sumalakay ang mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang kahapon ng madaling-araw sa Barangay Sapa, sa bayan ng Naic, Cavite.
Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Josephine Delgado habang sugatan naman ang anak nitong si Rogelyn Delgado,16; at ang kaibigang si Jenny. Lumilitaw sa police report, sinamantala ng mga kawatan na natutulog ang mga biktima kung saan isinagawa ang krimen.