41 pasahero utas sa bangin
BENGUE, Philippines — Aabot sa 41-pasahero ng bus ang kumpirmadong nasawi sa naganap na pinakamalalang highway disaster kahapon ng umaga sa bahagi ng Naguillan Road malapit sa hangganan ng mga bayan ng Tuba at Sablan sa Benguet.
Sa inisyal na ulat na nakarating kina P/Senior Supt. Wilben Mayor, Benguet PNP director at P/Senior Insp. Leo Guay, hepe ng pulisya sa Sablan, aabot sa 49-pasahero kabilang ang konduktor at drayber ang lulan ng Eso-Nice Transport Corp., with body number 801 at may plakang AYB 549 kung saan sinasabing nawalan ng preno pagsapit sa bahagi ng Sitio Guiwing, Barangay Banangan, sa nabanggit na bayan.
Lumilitaw na patungong San Fernando City, La Union ang bus mula sa Baguio City nang maganap ang trahedya bandang alas-9:20 ng umaga.
Ayon sa listahan ng PNP kung saan inihayag ni Gov. Nestor Fongwan, kabilang sa mga nasawi ay sina Johnson Dima lanta, Rose Quinos, Frederick Quinos, mga anak na sina Nicole at Michael Quinos, Berio Almasen, Carlos Angeles, Amethyst Calado, Enrique Hao, Renato Limid, Rex Arsichu, Constantino Casugay, Glen Lustica, Octavio Polon, Francisco Sales, Jon Laigo, Joy Combis, Pastora Daweg, Marlon Paleg, Gabino Pilay, Pablito Diocenes, Roger Torida, Karen Mae Piluden at si Albert Anthony habang 13 iba pa ay bineberipika ang pagkakakilanlan.
Walo sa nakaligtas sa trahedya na ginagamot sa Baguio General Hospital and Medical Center ay nakilalang sina Patrick Flores, konduktor; Ro meo Supang Jr. drayber; Sonny Ayaten, Desiree Jura, Arnel Paras, Juancho Gucha, Joy Angelo at isang lalaki na ‘di-pa nabatid ang pagkakakilanlan.
Ayon sa konduktor na si Flores, pinilit ng drayber na isalpok ang bus sa kongkretong barrier na nasa gilid ng highway para bumagal ang takbo at ‘di-mahulog sa bangin na may lalim na 150 metro pero ‘di umubra.
Umabot sa 4-oras ang rescue and retrieval operations para maiahon ang mga biktima kung saan gumamit pa ng chainsaw at ang tinatawag na ‘jaws of life’ equipment.
Ayon sa mga opisyal ng pulisya at lokal na pamahalaan, ito na ma rahil ang pinakamalalang highway disaster sa Benguet o sa buong bansa kung saan masusing im bestigasyon ang kinakailangan.
- Latest
- Trending