7 Budol-Budol Gang arestado

BATANGAS, Philippines – Pitong miyembro ng Budol-Budol Gang ang naaresto ng pulisya matapos madale ang isang 69-anyos na lola sa bayan ng San Juan, Ba­tangas kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Jonathan Tango­nan, San Juan police chief ang mga suspek na sina Jerry De Guzman, Benjie Guillen, Ramil Bartolome, Arlene Reyes, Cora Feli­zardo, Jenny San Juan at si Ana Acosta.

Ayon sa police report, dinukot ng grupo si Yo­landa De Chavez ng Ba­rangay Coloconto mula sa pa­ lengke at isinakay sa van.

Papunta na sana ang grupo sa bahay ng biktima para kunin ang mga alahas nang masabat sa checkpoint sa Barangay Puting Buhangin.

Napag-alamang niyaya ng isa sa mga suspek na babae ang matanda at pinangakuang bibigyan ng bungkos na pera bilang tulong, pero kinakaila­ngang magprenda ng kanyang mga alahas.

Wala nagawa si Yo­landa kundi sumunod dahil para syang na-hypnotize ng grupo.

Show comments