Sarhento, 1 pa itinumba sa piyesta

MANILA, Philippines - Dinilig ng dugo ang ma­sayang piyestahan ma­ta­pos na pagbabarilin hang­gang sa mapatay ang da­lawa-katao kabilang ang isang sarhento ng Phil. Army sa bahagi ng Baran­gay Napa­liran, sa bayan ng Balinga­sag, Misamis Oriental kama­kalawa ng hapon. Kinilala ni Army’s 4th Infantry Division spokesman Lt. Col. Triumph Domi­nic Bagaipo ang dalawa na sina Staff Sergeant Elmo Penar ng Service Battalion ng Army’s 4th Infantry Division at Alexander Pabualan. Bandang alas-4:45 ng ha­pon nang magkagulo sa piyestahan mtaapos uma­lingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan dumulagta ang dalawa. Napag-alamang bumi­sita si S/Sgt. Penar sa kani­yang pamilya para maka­dalo sa piyestahan nang di­kitan at ratratin ng mga ar­madong kalalakihan na pi­naniniwa­laang liguidation squad ng New People’s Army. Samantala, kinon­dena ng Army’s 4th ID ang insi­dente kasabay ng pa­kikira­may sa naulilang pamilya ng mga biktima.

Show comments