Killer bus: Magka-live-in dedo

MANILA, Philippines - Napaaga ang kamatayan ng magka-live-in maka­raang masalpok ng minibus ang kanilang traysikel na sinasabing umiwas sa tumawid na asong gala sa kahabaan ng highway sa Barangay 21, Bacarra, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Sheryll Acop, 3 buwang buntis at ang live-in na si Rolly Zuniga na kapwa nakatira sa Barangay Cabaruan. Sugatan naman sina Guilerma Acop at Keith Florin Agustin, 2, kapwa naisugod sa Roque Ablan Sr. Memorial Hospital. Sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insi­dente bandang alas-6 ng gabi habang ang mga biktima ay lulan ng traysikel patungo sa San Nicolas. Napag-alamang iniwasan ng traysikel ang asong gala na tumawid kung saan nakasalubong ang minibus.

Show comments