^

Probinsiya

Anak itinatwa ng amang Swiss, nagbaril

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Matapos itatwa ng amang Swiss national sa internet, nag-suicide sa pamamagitan ng pagbaril sa sentido ang isang 21-anyos na binata habang isang 10-anyos na batang babae naman ang minalas na tamaan ng ligaw na bala sa San Fernando City, La Union nitong Biyernes ng hapon.

Sa phone interview, kinilala ni San Fernando City Po­lice Director Sr. Supt. Pedro Ubaldo Jr. ang biktima na si Robert Pagdanganan, 21-anyos, residente ng Brgy. San Agustin ng lungsod na ito.

Isinugod naman sa pagamutan ang 10-anyos na batang si Zaira Mae Fabro na tinamaan ng bala ng cal. 38 revolver sa dibdib mula sa naglagos na bala sa kanang teynga ni Pagdanganan.

Bandang alas-5 ng hapon ng magbaril sa kaliwang sentido gamit ang isang cal. 38 Armscor si Pagda­nganan na naglagos sa kaniyang kanang teynga na sa kamalasan ay tuluy-tuloy ang bala na tumama na­man sa dibdib ng naglalarong si Fabro sa kabilang silid.

Lumilitaw sa imbestigasyon na inakala ng biktima na tapos na ang pangungulila nito sa kaniyang ban­yagang ama na si Ernest Feller, isang Swiss national na naging ka­relasyon ng kaniyang inang si Mary Pagdanganan na isang dating Guest Relation Officer (GRO) matapos na matagpuan niya ito sa pama­ma­gitan ng internet.

Gayunman, ng mahanap sa internet ang amang Swiss ay itinatwa nito ang biktima bunsod upang kitilin nito ang kaniyang buhay matapos na magkulong sa kuwarto at magpatiwakal.

Narekober ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng insi­dente ang cal. 38 Armscor na ginamit ng biktima sa kani­yang pagpapatiwakal at ang isang sulat para sa kaniyang ama na nagsasabing handa siyang su­mailalim sa DNA test para patunayan na magkadugo sila. 

vuukle comment

ARMSCOR

DIRECTOR SR. SUPT

ERNEST FELLER

GUEST RELATION OFFICER

LA UNION

MARY PAGDANGANAN

PEDRO UBALDO JR.

ROBERT PAGDANGANAN

SAN AGUSTIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with