50-kilo ng marijuana nakumpiksa

SAN FERNANDO CITY, La Union, Philippines  — Limampung kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.2 milyon ang nakumpiska ng mga awtoridad hangang 5 suspect ang naaresto sa isang checkpoint sa Sitio Kilat, Brgy. Bumbuneg, San Gabriel, La Union. Ayon sa ulat ng pulisya, nakumpiska ang nasabing pinatuyong dahon ng marijuana na lulan ng isang passenger jeep na minamaneho ni Emilio Cabading ng inspeksyunin ito sa checkpoint. Inaaresto din ang mga sakay ng jeep na sina Ben Pacuyan, ng Brgy Sapdaan, Santol, La Union; Meling Puklis at Roldan Puklis, parehong  residente ng Kibungan, Benguet at Josepha Dayao ng Brgy. Lon-oy, San Gabriel, na pinaniniwalaang mga pusher ng nakumpiskang droga.

Show comments