CAVITE, Philippines — Nagbigti ang isang binata dahil sa sobrang sama ng loob nito sa kanyang mga magulang sa Golden City, Barangay Salawag, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng pulisya, ang biktima ay nakilalang si Noel Maniebo, 27-anyos, binata at residente ng B-20 L-30 P-9 ng nabanggit na lugar.
Sa imbestigasyon ng pulisya dakong alas-8:00 ng gabi ng madatnan ng kasambahay nito ang biktima na nakabigti ng nylon cord sa loob ng ka nilang banyo.
Nag-iwan ng suicide note ang biktima kung saan nagpapasalamat ito sa kanyang Tita Isable Dollopase sa pag-aalaga sa kanya at pagpaa-aral habang sinabi din ng biktima ang hinanakit sa kanyang mga magulang na nasa Bicol.