^

Probinsiya

4 dedo sa bakbakan ng 2 kumander

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot na sa apat na rebeldeng Moro Islamic Liberation Front ang iniulat na nasawi habang pitong iba pa ang nasugatan ma­karaang magsagupa ang magkalabang kumander sa bayan ng Datu Piang, Ma­guindanao, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay Lt. Col. Benjamin Hao, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division, sumiklab ang bakba­kan noong Linggo ng ha­pon hanggang kamaka­lawa matapos na magsa­gupa sina MILF kumander Atsme ng 106th MBC at Commander Abunawas ng 104th MBC sa kagubatan ng Brgy. New Liong hang­gang Brgy. Alonganen.

Nabatid na sinuspinde ng pamunuan ng MILF sina Atsme at Abunawas dahil sa tumitinding alitan sa agawan ng teritoryo.

Napilitang magsilikas ang mga residente sa takot na maipit sa sagupaan ng magkalabang grupo ng MILF.

Samantala, nagba­bala rin ang militar na mapi­pilitan silang makialam kung hindi ihihinto ng mag­kala­bang grupo ang tu­mitinding girian kung saan nadada­may ang libu-libong resi­dente. Kaug­nay nito, pina­bu­la­anan na­man ni Hao na nagkasa sila ng airstrike sa Maguindanao upang ma­sawata ang paglalaban ng dalawang kumander.

Nilinaw ni Hao na hindi air strike kundi recon­na­isance mission lamang ang isinaga­wa upang patigilin ang nag-aaway na pak­siyon ng MILF.

Idinagdag pa ng opis­ yal na ang hakbang ay bahagi lamang ng preventive measure upang mai­wa­sang magsilikas ang mga naa­apektuhang pa­milya.

vuukle comment

ABUNAWAS

ATSME

BENJAMIN HAO

BRGY

COMMANDER ABUNAWAS

DATU PIANG

INFANTRY DIVISION

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NEW LIONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with