^

Probinsiya

2 opisyal ng NPA todas

-

BATAAN, Philippines — Dalawang opisyal ng mga rebeldeng New People’s Army ang iniulat na napatay matapos makipag­sagupaan sa militar at pulisya sa liblib na bahagi ng Brgy. Bacong sa bayan ng Hermosa, Bataan kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Senior Supt. Arnold Gunnacao ang mga napaslang na sina Johny Guela alyas Ka Estoy/Dayo, commanding officer ng Sangay ng Partido sa Platun sa Bataan, ng Sapang Bayan sa Calumpit, Bulacan at Ka Dodong/Yoyong, lider SPP sa Bataan. Lumilitaw na namataan ng grupo ni 2nd Lt. Danilo Mangigil ng Philippine Army ang grupo ng NPA kaya humingi ng tulong sa PNP-Bataan. Dito na sumiklab ang sagupaan kung saan napatay ang dalawa. Narekober sa encounter site ang ilang malalakas na kalibre ng baril, mga bala, at personal na gamit kung saan nasa kustudiya na ng 7th Infantry Division ng Philippine Army. Jonie Capalaran at Joy Cantos

vuukle comment

ARNOLD GUNNACAO

DANILO MANGIGIL

INFANTRY DIVISION

JOHNY GUELA

JONIE CAPALARAN

JOY CANTOS

KA DODONG

KA ESTOY

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

SAPANG BAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with