^

Probinsiya

2 tinedyer lunod sa beach

-

BATANGAS, Philippines — Patay ang magpinsang tinedyer na lalaki matapos malunod habang lumalangoy sa beach resort sa Barangay Laiya Aplaya sa bayan ng San Juan, Batangas kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Supt. Jonathan Ta­ngonan, hepe ng San Juan PNP ang dalawa na sina Albert Es­piritu, 13; at Lyndon Espiritu, 15, kapwa nakatira sa Sam­paloc, Manila. Ayon sa report, nagkakasayahan ang mag­pipinsan sa paglangoy sa beach ng Triple G Resort nang tangayin ng malakas na alon sa malalim na bahagi ng dagat hanggang sa malunod bandang alas-4:45 ng hapon. Mabilis namang kumilos ang mga kaanak para sagipin ang dalawa pero kapwa namatay nang isugod sa San Juan District Hospital. Nasagip naman ang isa pang biktima na si Leneth Espiritu na kasalukuyang nagpapagaling sa UST Hospital sa Maynila.

vuukle comment

ALBERT ES

AYON

BARANGAY LAIYA APLAYA

BATANGAS

JONATHAN TA

LENETH ESPIRITU

LYNDON ESPIRITU

SAN JUAN

SAN JUAN DISTRICT HOSPITAL

TRIPLE G RESORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with