PSN corres binantaan ng DepEd official
CAMARINES NORTE, Philippines — Pinagbantaan ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd) na may masamang mangyayari laban sa correspondent ng pahayagan ito kaugnay sa ipinupukol na pagtatanong kaugnay sa kasong child abuse laban sa isang principal sa elementarya sa bayan ng Labo, Camarines Norte kahapon ng umaga.
Bandang alas-9:30 ng umaga nang magtungo ang manunulat na ito sa tanggapan ni DepEd Supt. Arnulfo Balane upang mag-follow-up sa kinakaharap na kasong child abuse laban sa isang principal sa bayan ng Labo at ilang kautusan ng DepEd na dapat ipatupad sa pampublikong eskuwelahan.
Habang nasa kalagitnaan ng interbyu, kinakitaan ng kagaspangan ng pag-uugali at pagka-arogante si Balane at pinagbantaan pa na tatamaan kapag hindi tumigil ang manunulat na ito sa pagtatanong kaugnay sa kasong child abuse.
Lalong namula at nagalit si Balane nang tanungin ng manunulat na ito ang kaso ng kanyang bayaw na inireklamo ng pamamaril laban sa isang SK chairman sa Barangay Cobangbang sa bayan ng Daet kung saan naunang pinabulaanan ng kanyang utol.
Dahil dito, tumayo na lamang ang manunulat na ito subalit hindi pa nakapagpaalam ay pasigaw na nagbitiw si Balane na - “sige na lumayas ka na dito.”
Agad naman nagtungo sa himpilan ng pulisya ang manunulat na ito upang ipa-police blotter ang pagbabanta at pambabastos ni Arnulfo Balane na tumatayong school division superintendent ng DepEd sa Camarines Norte.
- Latest
- Trending