^

Probinsiya

Ex-Navy, 4 pa minasaker

-

PALAWAN, Philippines — Limang-katao kabilang na ang retiradong Navy official ang kumpirmadong napaslang matapos pagtulungang saksakin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa loob ng kanilang tahanan sa Ba­rangay San Miguel, Puerto Princesa City, Palawan noong Lunes ng hapon.

Kabilang sa mga napa­tay ay sina Retired Lt. Commander Ernesto Pai­ton, 59; asawang si Chief Petty Officer Carmelita Paiton, 55, anak na registered nurse na si Erlita Paiton, 21; at ang dala­wang pamangkin na sina Sharon Cabatuan, 19; at Renato Cabatuan, 17.

Ayon kay P/Senior Supt. Cesar Miranda, Puerto Princesa City police chief, nakatanggap ng tawag sa telepono ang pu­lisya mula kay Sheryl Cabatuan para iulat ang nadiskubreng krimen ban­dang alas-6:30 ng gabi.

“Dumating si Sheryl at pinsang si Ernesto Paiton Jr. sa kanilang bahay kung saan natagpuang duguan ang mga biktima kaya kaagad na ipinagbigay-alam sa police station,” pahayag ni P/Inspector Harold To­cino, Puerto Princesa police chief investigator.

May teorya ang mga imbestigador na naganap ang krimen sa pagitan ng alas-12 ng tanghali hang­gang alas-6 ng gabi bago madiskubre nina Sheryl at Paiton, Jr.

Sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives, na­tagpuan sina Carmelita, Sharon at Renato na naka­gapos ang mga kamay at paa sa loob ng palikuran ng bahay.

“Mukhang malaki ang galit nung mga suspek sa pamilya ng biktima dahil sa daming saksak sa kata­wan,” dagdag pa ni P/Inspector Tocino.

Nagsasagawa na ng dragnet operation para maaresto ang mga suspek habang patuloy na ina­ alam ang motibo ng pama­mas­lang.

CESAR MIRANDA

CHIEF PETTY OFFICER CARMELITA PAITON

COMMANDER ERNESTO PAI

ERLITA PAITON

ERNESTO PAITON JR.

INSPECTOR HAROLD TO

INSPECTOR TOCINO

PUERTO PRINCESA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with