5 RHB member timbog

CAMP OLIVAS, Pam­panga, Philippines — Naaresto na ng mag­­kasanib na pwersa ng militar at pulisya ang limang lider ng rebeldeng Rebolus­yonaryong Hukbong Bayan (RHB) sa isang checkpoint sa Villa Barcelona, Barangay Sindalan, San Fernando City kamakailan.

Sa ulat na nakarating kay Police Regional Office 3 director Chief Supt. Allan Pu­risima, ang mga naarestong RHB leaders ay nakilalang sina Lenin Canda Salas a.k.a Red at Lara; Jerry Sim­bulan alyas Mao at Miguel; Daniel Joseph Navarro alyas BJ at Marko; Jose Gomez a.k.a. Sabel; at Rodwyin Tala a.k.a. Rasel. 

Ayon pa kay Purisima, na­bawi din ng AFP at PNP ang ilang matataas na armas sa mga suspek kabilang ang M16 rifle, isang light anti-tank weapon, tatlong pistols, 14 magazines, mga dokumento na mahalaga sa intelligence network.

Idinagdag pa, ng PRO3 chief, ang limang terorista ay nakitang sakay ng puting Mitsubishi Galant na may plakang OFW 688 at nasabat sa isang checkpoint na itinayo ng elemento ng 703rd Infantry Brigade, 7th Mechanized Infantry Battalion, 7th CMO Battalion at Pampanga PNP.

Show comments