4 katao natusta sa sunog

MANILA, Philippines - Kamatayan ang suma­lubong sa apat-katao ha­bang tatlong iba pa ang nasugatan sa magka­hiwa­lay na insidente ng sunog sa Naga City, Ca­marines Sur at Bacolod City, Negros Occidental.

Lumilitaw sa police report, tinupok ng apoy ang boarding house sa kaha­baan ng Santiago 1, Pe­ña­­francia Avenue, Naga City kung saan nasawi sina Aida Ausin, 68; at Maria Christina Reis, 19, 3rd year midwifery student, kapwa residente ng Barangay Ocampo.

Sugatan at ginagamot sa Bicol Medical Center sina Geraldine Licuna, 18; Jefferson Villagones, 24; at asawa nitong si Linea.

Sa isa pang insidente, dalawa-katao rin ang na­matay matapos ma­sunog ang residential area sa Bacolod City, Negros Occidental ka­ma­kalawa ng gabi.

Kinilala naman ang mga nasawi na sina Phi­lip Mar­tinez, 26; at Adrian Morin, 12.

Naabo ang residential area sa Barangay Bata bandang alas-11 ng gabi kamakalawa kung saan nakulong ang dalawa.

Show comments