2 preso nakapuga

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  — Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin ang ilang opisyal ng pulisya makaraang makapuga ang dalawang preso sa himpilan ng pulisya sa Naga City, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw. Kasalukuyang naglatag na ng dragnet operation ang pulisya para madakip sina Ri­chard Alincastre, 18; at Jeffrey Panoy 25, kapwa na­ka­­tira sa Zone 2, Ba­ran­gay Triangulo at may mga ka­song pagnanakaw. Lumilitaw na nagtungo ang dalawa sa palikuran sa katabing selda nang biglang maglaho na sinasabing umakyat sa gate ng kulungan. Nadiskubre ang jailbreak matapos mag-head count ang guwardiya.

Show comments