BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Bangkay na nang matagpuan ang isa sa mga hinihinalang gunmen ng isang mamahayag sa lalawigan ng Kalinga, ayon sa ulat kahapon.
Ayon kay Chief Inspector Glen Ganpac, hepe ng Tabuk City-Kalinga, kinilala ang natagpuang bangkay kamakailan sa pagitan ng Kalinga at Isabela na si Lando Bilog, itinuturong gunman sa pagpaslang kay broadcaster Jose Daguio, 75, ng dzRK Radyo Natin-Kalinga.
Si Bilog kasama sina Edmund Bilog, Willy Bilog, Daldin Guilawan at Edgar Guilawan ay kinasuhan ng murder dahil sa pagkamatay ni Daguio noong Hulyo 4 matapos pagbabarilin ng mga armadong suspek sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Tuga dakong alas-8:00 ng gabi.
Pinaniniwalaan namang si Bilog ay pinaslang sa malayong lugar pero iti napon sa naturang hangganan upang lituhin ang imbestigasyon. Naghihinala rin ang mga awtoridad na posibleng ang pagkamatay nito ay may kaugnayan sa pamamaslang sa radio brod kaster.