^

Probinsiya

4 sundalo sugatan sa landmine

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines -  Apat na sundalo ang nasugatan makaraang sumabog ang dalawang bomba na pinaniniwalaang itinanim ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Paquibato District, Da­vao City nitong Biyernes.

Kinilala ang mga nasu­gatang sundalo na sina Pfc. Elmer Larroya, Pfc. Severo Garcia, Pfc Noel Amoroso at Prival Ramel Laranip; pawang miyembro ng Army’s 69th Infantry Battalion (IB).

Sinabi ni Army’ 10th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Carlos Holganza, sumabog ang dalawang Improvised Explosive Device (IED) da­kong alas-7:45 ng umaga sa nasabing lugar.

Ayon kay Holganza, isang platoon ng mga sun­dalo ang ipinadala sa lugar upang iberipika ang napa­ulat na presensya ng mga armadong rebelde sa na­turang barangay pero sina­lubong ang mga ito ng pag­sabog ng landmine.

Kaugnay nito, kinon­dena naman ni Holganza ang patuloy na paggamit ng mga rebelde ng land­mine. with trainees Mary Ann Chua /Mary Joy Mondero

CARLOS HOLGANZA

COMMANDER MAJOR GEN

ELMER LARROYA

HOLGANZA

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

MARY ANN CHUA

MARY JOY MONDERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with