Inambush na radio commentator pumanaw na

MANILA, Philippines -  Matapos ang halos isang buwang pagkaka-comatose nang pagbabarilin ng mga armadong kalalaki­han, pumanaw na ang isang radio commentator sa isang hospital sa Iriga City, Camarines Sur kaha­pon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasa­ wing biktima na si Miguel “Mike” Belen, 48-anyos, announ­cer/commentator ng DWEB FM radio.

Batay sa report, kinum­pirma sa mga awtoridad ni Richard Arnedo, Station Manager ng nasabing him­pilan ang pagkamatay ng biktima bandang alas-3 ng madaling-araw ma­tapos itong ma-comatose sa Dona Josefa Hospital sa Iriga City.

Noong Hulyo 9 ay ti­nam­bangan ng mga ar­madong kalalakihan na lulan ng motorsiklo ang biktima habang pauwi na ito sa kanilang tahanan sa Nabua, Camarines Sur.

Ang biktima ay nagtamo ng pitong tama ng bala mula sa cal. 45 pistol at agad namang naisugod sa Doña Josefa Hospital kung saan matagal itong naratay matapos ma-comatose.  with trainee Rafael Zapanta

Show comments