MALOLOS CITY, Philippines — Isang pinaniniwalaang fixer ng Land Transportation Office (LTO) ang naaresto sa isinagawang entrapment operations sa Plaridel, Bulacan.
Kinilala ang suspek na si Maricor Remudo, 27- anyos ng Barangay Camarin, Caloocan City. Tinutugis naman ang live-in partner nitong si Jonathan Enriquez ng Balagtas, Bulacan na kasabwat nito.
Ayon sa biktimang si Ernesto Surio ng Barangay Lumang Bayan sa Plaridel, nagsumbong siya sa mga awtoridad matapos siyang alukin ng magka-live-in na mabilis nilang mapoproseso ang dokumento nito sa LTO kapalit ng P10,000.
Naaresto si Maricor sa isinagawang entrapment operations.