Pulis dakma sa kotong
CAVITE, Philippines – Binastos ng isang pulis-Cavite ang binitiwang salita ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na walang kotong na magaganap sa kanyang administrasyon makaraang maaresto ng kanyang mga kabaro sa isinagawang entrapment operation kamakalawa ng gabi sa Barangay Pook sa Cavite City, Cavite. Pormal na kinasuhan habang nakapiit ang suspek na si PO2 George Lapidario, 36, ng Cavite City PNP. Si PO2 Lapidrio ay inireklamo ng suspek na ni Elenita Legaspi na dinakip ng una sa kasong pag-iingat ng bawal na droga. Dahil sa walang nakuhang bawal na droga kay Legaspi ay hiningan ng suspek ng P50,000 para hindi makasuhan. Subalit ipinagbigay-alam ni Legaspi sa kinauukulan kaya nadakma ang suspek na sinasabing nakakuha na ng P10,000 kay Legaspi.
- Latest
- Trending