2 tulak tiklo sa buy-bust

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang dalawang lalaki na pinani­niwalaang nagpapakalat ng bawal na droga makaraang ma­aresto ng pulisya sa buy-bust operation sa Brgy. Pulo sa bayan ng San Rafael, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Rodolfo Hernandez, ang mga suspek na sina Darwin Cababat, 31, ng Brgy. Maronquillo at Randy Basa 37, ng Brgy. Pulo sa bayan ng San Rafael. Nasamsam sa mga suspek ang ilang gramo ng shabu, P1,000 marked money at Toyota Corolla (TLK-584) na gina­gamit sa iligal na operasyon. Pormal naman kakasu­han ang mga suspek habang nakakulong.

Show comments