^

Probinsiya

Testigo sa Maguindanao massacre todas sa encounter

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang supporter ni Vice Mayor Ra­sul Sangki na pinani­ni­wa­laang key witness sa Maguindanao massacre habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang makasagupa ng kampo ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) rouge element sa bayan ng Ampa­tuan, Maguindanao kama­ka­lawa ng hapon.

Kinilala ni Army’s 6th Infantry Division spokesman Lt. Col. Benjie Hao ang napatay na si Dali Iskak habang isa sa dala­wang sugatan ay kinilalang si Saddam Amelik.

Sa inisyal na ulat, na­batid na nagtungo ang mga supporter ni Sangki sa pa­ mumuno ni Brgy. Chairman Esmael “Kos” Kla sa Brgy. Matagabong nang ma­ka­sagupa ang mga MILF rogue elements sa pa­mu­muno nina Imam at Ham­sa Kindo alyas Tuhabak.

Lumilitaw na inatake ng grupo ni Sangki ang Brgy. Matabong matapos maba­tid na pinayagan ni ex-Brgy. Chairman Taib Kuma­yog si Esmael Tuhabak na bumisita sa kanilang lugar.

Upang mapigilan ang nakaambang pagdanak ng dugo ay nagresponde ang mga sundalo ng 46th Infantry Battalion at binigyang proteksyon ang may 25-sibilyan na nagtatago sa bodega sa Sitio Bukako, Brgy. Matagabong.

BENJIE HAO

BRGY

CHAIRMAN ESMAEL

CHAIRMAN TAIB KUMA

DALI ISKAK

ESMAEL TUHABAK

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

SANGKI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with