^

Probinsiya

Panghaharas sa minahan kinondena

- Ni Randy Datu -

MASINLOC, Zambales, Philippines – Tensyunado ang bayan ng Masinloc matapos maglunsad ng kilos protesta ang mga manggagawa at minero ng Compania Minera Tubajon, Inc. bilang pagkondena sa dating mayor na kaalyado ng gobernador dahil sa sinasabing iligal na paglusob at pag-agaw sa Coto Mines.

Pawang nakasuot ng dilaw na Liberal Party t-shirt, umaabot sa 100-katao ang nag-kilos protesta sa harap ng Baloganon Port laban kina dating Masinloc Mayor Jessu Edora at P/Senior Supt Rafael Santiago, Jr, na nanguna sa paglusob sa nabanggit na minahan.

Ayon kay CMTI security manager Eduardo Garcia, nilusob ng pulisya sa pangunguna ni Santiago ang mining site kung saan inaresto ang mga sibilyan kabilang ang ilang Chinese national na sinasabing may kaukulang working permit.

Naayon sa mining permit and sharing agreement ang operas­yon ng Coto Mines na sinasabing balido sa loob ng 25-taon at maaring kanselahin ng pamahalaang nasyunal, ayon kay CMTI project manager na si Romualdo Nuñez.

Nakatakda naman maghain ng kaukulang demanda ang grupo ni Nunez laban sa mga kumobkob ng mining site.

Sinubukang kunin ng mga reporter ang panig ni Zambales Gov. Ebdane, subalit tanging ang media relations officer nito ang sumasagot at pinasa lamang ang mga ito kina Santiago at Edora na hindi naman makontak.

AYON

BALOGANON PORT

COMPANIA MINERA TUBAJON

COTO MINES

EDUARDO GARCIA

LIBERAL PARTY

MASINLOC MAYOR JESSU EDORA

ROMUALDO NU

SENIOR SUPT RAFAEL SANTIAGO

ZAMBALES GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with