^

Probinsiya

Iniwan ng nobya, nagbigti

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang bangkay ng binata ang natagpuang naagnas ng kanyang mga kamag-anak na nakabigti sa isang puno sa Barangay Pascual, Libon, Albay kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Christopher Ricamora 17-anyos, binata at resi­dente ng naturang lugar.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas-11:30 ng umaga na halos na­aagnas na ito na na­kabigti sa puno ng akasya may ilang metro ang layo sa kanilang bahay.

Napag-alaman na ang bikti­mang binata ay naki­kitira sa bahay ng kanyang tiya­hin na kung saan ito ay umalis noong nakaraang Sabado matapos na maki­paghiwalay dito ang kan­yang nobya.

Nauna dito, sinabihan pa ang biktima ng kanyang pinsan na huwag dam­da­min ang nangyari sa kanila ng kanyang nobya at hu­wag itong magbibigti.

Subalit laking gulat na lamang ng tiyahin at pinsan nito ng may makakita sa bangkay ng biktima na nakabitin sa puno ng akas­ya at naaagnas na.

Kaagad naman na dina­la ang naagnas na bang­kay ng binata sa punerarya upang ito ay isailalim sa awtopsiya upang mabatid kung may naganap na foul play sa pagkakamatay nito.

vuukle comment

ALBAY

AYON

BARANGAY PASCUAL

CHRISTOPHER RICAMORA

ISANG

KAAGAD

LEGAZPI CITY

LIBON

NAKILALA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with