Magpinsan ni-rape slay

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng magpinsang babae na sinasabing halinhinang hinalay makaraang pagsa­saksakin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki na pinaniniwalaang lango sa bawal na droga sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa. Bandang alas-4:40 ng hapon nang matagpuan ang bangkay nina Janice Gudiaga Pausanos, 19; at Leona Pausanos Paloma,19, kapwa nakatira sa Block 11, Lot 3A, Doña Lolita Street, Phase 4, Springville Heights, Barangay Molino 7 sa bayang nabanggit. Ayon sa police report, ang katawan ni Janice ay natagpuan sa banyo habang si Leona naman ay nakabulagta sa silid. Pinaniniwalaan kakilala ng mga biktima ang mga suspek dahil nakapasok sa bahay na walang palatandaang winasak ang pintuan o sinirang bintana.

Show comments