Mag-asawang kinidnap pinalaya

MANILA, Philippines - Pinalaya na ang kinidnap na mag-asawang negosyante sa bahagi ng Barangay Tuca, Marawi City, Lanao del Sur kamakalawa. Bandang alas-2 ng hapon nang matagpuan ng mga tauhan ng search and rescue team ng Marawi City ang mag-asawang sina Farouk Olama Ampaso at Sumaya Ampaso na kapwa nakatira sa Barangay Zuares sa Iligan City. Base sa record ng pulisya, ang mag-asawa ay dinukot sa kahabaan ng Quezon Avenue sa panulukan ng Aguinaldo Street sa Iligan City noong Linggo ng Hulyo 18. Sa inisyal na imbestigasyon, lumi­ taw naman na hindi kidnapping-for-ransom kung saan sinasabing alitan ng magkakalabang angkan. Maayos naman nakabalik sa kanilang pamilya ang mag-asawa matapos sumailalim sa debriefing.

Show comments