3 dedo sa pananambang

RIZAL, Philippines – Napaslang ang tatlong sibilyan kabilang ang dating rebelde na ginawang asset ng militar maka­raang ratratin ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa bahagi ng Sitio Tanag, Barangay San Isidro, sa bayan ng Rodriguez, Rizal kamakalawa ng tanghali.

 Kinilala ni Rodriguez police chief P/Supt. Ruel Vacaro ang mga napatay na sina Galvan Navarte ng Sitio Bagong Sigla, ex-NPA rebs; Demelita Largo ng Sitio Kabuuan, asset ng militar; at si Benita San Jose ng Sitio Mabolo na pawang nasa Barangay Puray. 

Naganap ang pananambang dakong alas-12:30 ng hapon habang lulan ng traysikel ang mga biktima mula sa palengke.

Narekober sa crime scene ang 13-basyo ng cal. 45 at dalawang bala na hindi pumutok. Pinaniniwalaang may kinalaman ang mga rebel­deng New People’s Army sa pananambang.

Show comments