Mag-asawa dedo sa eggplant omelet

CAMP OLIVAS, Pampanga, Philippines - Kamatayan ang su­malubong sa mag-asawa ha­bang dalawa nilang anak ay nasa kritikal na kalagayan matapos kumain ng eggplant omelet na aksidenteng na­lagyan ng insecticide kama­kalawa sa bayan ng Her­mosa, Bataan.

Kinilala ng pulisya ang mag-asawa na sina Ricardo Sabado, 48 at Victoria Sa­bado, 42, kapwa nakatira sa Barangay Bacong sa na­banggit na bayan.

Kasalukuyan naman ino­obserbahan sa Phil. General Hospital sina Rochelle Joy, 17 at Riyley James, 2.

Sa tala ng pulisya, si Ri­cardo ay namatay noong Huwebes ng umaga habang ginagamot sa Bataan Gene­ral Hospital habang si Vic­toria naman ay nasawi ban­dang alas-7:59 ng gabi.

Nabatid na nalason ang mga biktima matapos aksi­denteng maihalo ang insecticide (termite control) sa eggplant omelet na niluto ni Vic­toria para sa almusal ng pa­milya noong Huwebes ng umaga.

Matapos makapag-al­musal ay magkakasunod na sumakit ang tiyan, nahilo at sumuka kaya kaagad isinu­god sa Dinalupihan District Hospital at Bataan General Hospital hanggang sa ma­ilipat sa Phil. General Hospital kung saan namatay ang mag-asawa.

Sa salaysay ng nakata­tandang utol ni Ricardo na si Matias Sabado, ang insecticide na inakalang arina ni Victoria ay naka­lagay ma­lapit sa kusina. Phil. Star News Service

Show comments