^

Probinsiya

Doktor na Hapones kinidnap ng Abu Sayyaf

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines – Dinukot ng sampung armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga ban­didong Abu Sayyaf ang isang doktor na Hapones na mahilig mag-treasure hunting sa naganap na insidente sa Brgy. Bang­kilay, Pangutaran, Sulu nitong Biyernes ng hapon.

 Kinilala ni AFP-Western Mindanao Command (AFP-­Westmincom) Chief Lt. Gen. Ben Mohammad Dolorfino ang biktimang si Amer Kata­yama Mamaito, kilala ng mga residente sa lugar na si ‘Dr. Amer’.

Ayon kay Dolorfino, na­ganap ang pagdukot sa bik­tima sa Sitio Bas, Brgy. Bangkilay, Pangutaran, Su­lu bandang ala-1 ng hapon.

Sinabi ni Dolorfino na sa kasalukuyan ay ini-esta­blisa pa ng AFP-Joint Task Force Comet sa pamu­muno ni Marine Brig. Gen. Rustico Guerrero ang pag­kakakilanlan sa mga kidnappers bagaman hindi inaalis ang posibilidad na ka­gagawan ito ng mga bandidong grupo.

“ We are still investiga­ting the case to determine the suspects in the kidnapping of the victim who claim­ed to be a doctor, the kidnappers are still being pursued”, pahayag ni Do­lor­fino sa phone interview.

Base sa imbestigasyon, sinabi ni Dolorfino na ang biktima na nagpakilalang doktor na may klinika sa Zamboanga City ay nagpa­pabalikbalik sa Panguta­ran-Zamboanga City simu­la pa noong 2004 hang­gang sa makidnap ito.

Nabatid na naging ka­ibigan nito si dating Pa­ngu­­taran Municipal Councilor Malik Lakibul hang­gang sa magdesisyon itong lumipat ng tirahan sa Pangutaran nito lamang nakalipas na bu­wan kung saan dito ito nagtayo ng klinika at nag­bebenta ng ‘generic medicines’ sa murang halaga.

Ang nasabing biktima ayon pa kay Dolorfino ay nagpa-convert na rin uma­no sa Islam. Nabatid pa na libangan ng biktima ang mag-treasure hunting sa kagubatan ng Pangu­taran.

ABU SAYYAF

AMER KATA

BEN MOHAMMAD DOLORFINO

BRGY

CHIEF LT

DOLORFINO

DR. AMER

PANGUTARAN

SHY

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with