MANILA, Philippines - Aabot sa 60 kabaha yan ang iniulat na sinunog ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front rouge elements sa ba yan ng Sultan sa Barongis, Maguindanao kamakalawa.
Sa ulat ng Army’s 6th Infantry Division, sinabi ni Army spokesman Major Ronald Jess Alcudia, sumalakay ang MILF rogue elements sa Crossing Badal, Barangay Barurao, sa bayan ng Sultan sa Barongis.
Napag-alamang hinaras ang pamilya at mga kamag-anak ni dating Sultan sa Barongis Vice Mayor Datu Sukarno Badal na sinasabing hindi naka palag sa mga tauhan ni Kumander Pelmen Maestro ng 105th Bangsa Islamic Armed Forces
Matapos magsilabas sa kanilang tahanan at magtakbuhan sa matinding sindak ay sinunog naman ng mga rebelde ang may 60 kabahayan.
Dakong alas-5 na ng umaga kinabukasan nang magsilisan ang grupo ni Maesto kung saan patuloy naman tinutugis ng militar.