5 tiklo sa P7.1-milyong cocaine

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng lima-katao matapos makumpiskahan ng isang kilo ng cocaine (P7.1M) sa isinagawang drug bust ope­ration ng pulisya at militar sa Barangay Amaya 3 sa bayan ng Tanza, Cavite noong Sabado ng umaga. Na­unang naaresto sina Joel Morallos at Renato Evasco na sina­sabing nakumpiskahan ng isang kilo ng cocaine na naka-plastic na may marking na “Peligro”. Sa follow-up operations ka­makalawa ng madaling-araw ay nasakote naman ang tatlo pang suspek na sina Celestino Bongga, Regie Picardel at Lolita Morallos na nasamsaman naman ng 420 gramo ng cocaine na aabot naman sa P 2.1 milyong halaga.

Show comments