4 klasrum naabo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City  — Tinatayang aabot sa P15 milyong halaga na ari-arian ang naabo makaraang ma­sunog ang apat na klasrum ng Lagunoy Elementary School sa Barangay Poblacion sa bayan ng Lagunoy, Cama­rines Sur noong Linggo ng umaga. Nagsimulang kumalat ang apoy bandang alas-8:30 ng umaga kung saan tumagal ng 3-oras bago pa maapula ang sunog. Pina­ni­niwalaang electrical faulty wiring ang isa sa pinagmulan ng apoy habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments