School president, 4 pa kalaboso sa kasong P11-milyong estafa

LAGUNA, Philippines — Kalaboso ang binagsakan ng limang opisyal ng kolehiyo mata­pos kasuhan ng mga estu­dyante sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna.

Kabilang sa mga kina­suhan ng large scale estafa at llegal recruitment at nga­yon ay nakakulong ay sina David Sobrepeña, presi­dente at may-ari ng Union College sa Sta. Cruz, Laguna; Mona­lisa Dabao, vice president; Deobela Fortes, director ng career and placement office; finance officer ng eskwela­han na si Po­lixema Adorada at si Lirio Corpuz, office assistant.

Ayon kay P/Supt. Marvin Saro, hepe ng pulisya sa bayan ng Sta. Cruz, nag-ugat ang pagkakaaresto sa mga suspek matapos mabi­gong isauli ang P11 milyong nako­lekta sa mga estu­dyante bilang kabayaran sa training at placement fee.

Napag-alamang nango­lekta ang eskwelahan sa mga estudyante ng $2, 500 hang­gang $3,500 para sa skills training at tig-P15,000-P20,000 bilang kabayaran naman sa language training noong 2008 kapalit ng tra­baho sa Canada.

Subalit nakalipas ang ilang taon, hindi pa rin na­paalis ang mga estudyante kaya nag­sam­pa ng de­manda ang mga estu­dyan­te laban sa mga opis­yal ng kolehiyo.

Nagpalabas naman ng warrant of arrest si Judge Cynthia Ricablanca ng Sta. Cruz Regional Trial Court Branch 27 kung saan mag­kakasunod na inaresto ang mga opisyal.

“Masaya kami dahil na­aresto na rin ang mga nan­loko sa amin, sana naman ma­isoli rin sa amin ang ibi­nayad namin para sa placement at trainings kasi inu­tang lang namin ang hala­gang yon” ani Adelo Caran­dang, isa sa mga biktima

Napag-alamang naka-ospital arrest si Sobrepeña matapos makaranas ng pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga habang, naka­kulong naman ang iba pang suspek.

Show comments