NPA attack: 2 Marines sugatan

MANILA, Philippines - Dalawang tauhan ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 8 ang nasugatan makaraang tambangan ng may 30 re­beldeng New People’s Army (NPA) sa isang liblib at bu­lu­bunduking lugar sa bayan ng San Vicente, Palawan nitong Biyernes. Sa phone interview, kinilala ni MBLT 8 Spokesman Major Neil Estrella ang mga nasugatan na sina 2nd Lt. Willy Pait at Cpl. Zeus Labrador. Bandang alas-10:30 ng uma­ga ng mangyari ang pananambang sa tropa ng Special Ope­ra­tions Platoon 8 ng MBLT 8 sa bisinidad ng highway ng Sitio Ita­biak, Brgy. New Agutaya, San Vicente , Palawan. “The NPA rebels used 2 Improvised Explosives Device ( IED) planted at the highway, explosion damaged our 6 x 6 truck , inspite of the surprise our troops jumped off, immediately ma­neuver and used all their firepower to fight back”, ani Estrella. Ang mga re­belde ayon kay Estrella ay nakaposisyon sa mataas na ba­hagi ng Sitio Itabiak sa naturang barangay kung saan tu­magal ng ilang minuto ang putukan bago nagsitakas ang mga rebelde bitbit ang mga sugatan nilang kasamahan.

Show comments