NPA attack: 2 Marines sugatan
MANILA, Philippines - Dalawang tauhan ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 8 ang nasugatan makaraang tambangan ng may 30 rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isang liblib at bulubunduking lugar sa bayan ng San Vicente, Palawan nitong Biyernes. Sa phone interview, kinilala ni MBLT 8 Spokesman Major Neil Estrella ang mga nasugatan na sina 2nd Lt. Willy Pait at Cpl. Zeus Labrador. Bandang alas-10:30 ng umaga ng mangyari ang pananambang sa tropa ng Special Operations Platoon 8 ng MBLT 8 sa bisinidad ng highway ng Sitio Itabiak, Brgy. New Agutaya, San Vicente , Palawan. “The NPA rebels used 2 Improvised Explosives Device ( IED) planted at the highway, explosion damaged our 6 x 6 truck , inspite of the surprise our troops jumped off, immediately maneuver and used all their firepower to fight back”, ani Estrella. Ang mga rebelde ayon kay Estrella ay nakaposisyon sa mataas na bahagi ng Sitio Itabiak sa naturang barangay kung saan tumagal ng ilang minuto ang putukan bago nagsitakas ang mga rebelde bitbit ang mga sugatan nilang kasamahan.
- Latest
- Trending