^

Probinsiya

Radio announcer kritikal sa ambush

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kon­dis­yon ngayon ang isang radio announcer maka­raang tambangan ng dala­wang hindi nakilalang mga ar­madong lalaki sa bayan ng Nabua, Camarines Sur ni­tong Biyernes ng gabi.

Sa ulat na tinanggap ka­hapon ni PNP Chief Director General Jesus Ver­zosa, kinilala ang biktima na si Miguel Belen, 48-an­yos, an­nouncer ng DWEB FM Radio sa ilalim ng Pilipinas Broadcasting Network na nakabase sa ba­yan ng Nabua. Si Belen ay dati ring Brgy. Chairman sa Brgy. Francia, Iriga City.

Base sa imbesti­gas­yon, naganap ang pamamaril sa biktima sa Zone 3, Brgy. San Jose Pagaraon, Na­bua ng lalawigang ito da­kong alas-8:30 ng gabi.

Ang biktima ay nagtamo ng pitong tama ng bala sa leeg at katawan at ngayo’y nasa kritikal na kondisyon sa Maria Josefa Foundation Hospital sa Iriga City.

Kasalukuyan umanong pauwi na sa kanilang taha­nan galing sa kanilang him­pilan sa bayan ng Nabua ang biktima lulan ng kulay pulang motorsiklo nang biglang sumulpot ang dala­wang armadong lalaki at pagbabarilin ito.

Ayon kay Camarines Sur Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Jo­nathan Ablang, pulitika ang isa sa ang­ gulong sini­silip nila sa motibo ng in­sidente.

Samantalang minaliit rin nito ang posibilidad na may kinalaman sa trabaho ang kaso dahilan hindi ‘hard hitting’ ang biktima.

Nareko­ber sa lugar ang mga bas­yo ng bala ng cal. 45 pistol.

BRGY

CAMARINES SUR

CAMARINES SUR PROVINCIAL POLICE OFFICE

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VER

DIRECTOR SR. SUPT

FOUNDATION HOSPITAL

IRIGA CITY

MARIA JOSEFA

NABUA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with