^

Probinsiya

Tubig sa Angat dam sapat pa

- Dino Balabo -

NORZAGARAY, Bulacan, Philippines —Kahit walang ulan, sasapat pa ang tubig sa natutuyong Angat Dam para sa pangangailangan ng kalakhang Maynila sa loob ng 45-araw. Ito ang naging pahayag ng mga opisyal ng National Power Corporation (Napocor) na siyang nama­mahala sa dam na pinagkukunan ng 97 porsyentong tubig inumin ng kalakhang Maynila. Gayunpaman, sinabi nila na posibleng higit pang bumaba sa naitalang pinakama­babang water elevation ng dam ang sukat ng tubig doon sa loob ng dalawang araw dahil sa kawalan ng ulan. Dahil sa patuloy na pagkatuyo ng dam, naitala kahapon ang 158.64 meters above sea level (Masl) na water elevation sa dam na mas mataas lamang ng .49 meters sa 158.15 Masl ang pinakamababang water elevation na naitala noong Setyembre 1998 matapos manalasa ang El Niño sa bansa. 

ANGAT DAM

BULACAN

DAHIL

EL NI

GAYUNPAMAN

KAHIT

MASL

MAYNILA

NATIONAL POWER CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with