^

Probinsiya

Fire chief dedo sa deputy

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang hindi nagkasundo sa isyung gas allocation kaya pinagba­baril at napatay ang isang fire chief ng kanyang de­puty sa Vigan City, Ilocos Sur noong Mar­tes ng gabi.

Sa phone interview, kini­lala ni P/Senior Supt. Ed­uar­do Dopale ang na­pa­tay na si Provincial Fire Mar­shal Ruben Pascua, 54.

Samantala, tugis na­man ng pulisya at naha­harap sa kasong kriminal ang suspect na si Fire Inspector Rey Acena.

Naganap ang krimen sa loob ng tanggapan ni Pas­cua na nasa ikalawang palapag ng Provincial Fire Station sa Barangay 8, Cabasaan District sa Vi­ gan City.

Lumilitaw na kata­tapos lamang kumain ni Pascua sa kanyang opi­sina nang dumating si Acena kung saan isinara pa nito ang pinto at ta­nging sila lamang dalawa ang nasa loob.

Base sa ulat na naka­rating sa Camp Crame, mainitang nagtatalo ang dalawa nang umalingaw­ngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at dibdib ang biktima base sa mga na­kuhang basyo ng bala sa crime scene.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na kinukuwestiyon ni Pascua si Acena hinggil sa masyadong malaking gastusin nito sa gas allocation sa Bantay Fire Station na pinamumunuan rin ng nasabing deputy.

Nagalit si Acena sa tinuran ni Pascua kaya naganap ang pamamas­lang na ang bangkay ay narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives team na nakalug­mok sa sahig.

ACENA

BANTAY FIRE STATION

CABASAAN DISTRICT

CAMP CRAME

FIRE INSPECTOR REY ACENA

ILOCOS SUR

LUMILITAW

PASCUA

PROVINCIAL FIRE MAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with