^

Probinsiya

Sanggol 'naisahog' sa tinolang manok

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nagmistulang sangkap sa tinolang manok ang pitong buwang gulang na sanggol na babae matapos na mahulog sa kumu­ku­long tulyasi ng putahe sa Surigao City, Surigao del Sur noong Martes ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Inspector Charlie Cabradilla, director ng Surigao City PNP ang biktima na si Princess Eviota na nagtamo ng matitinding paso sa muk­ha, kamay at sa dibdib.

Ayon kay Cabradilla, naganap ang insidente sa tahanan ng pamilya Eviota sa Purok 4, Barangay Ca­palayan Sur, Surigao City bandang alas-6 ng gabi.

Nabatid na magha­ha­pu­nan ang pamilya Eviota ka­sama ang mga lola nito nang gumapang ang bik­tima sa papag ng kanilang tahanan.

Hindi naman namala­yan na nahulog na ang sang­gol sa kumukulong ka­wa ng tinolang manok na niluto ng kaniyang mga magulang.

Bunga ng insidente ay isinugod sa Caraga Regional Hospital ang biktima na nagtamo ng matinding paso sa buong katawan.

vuukle comment

AYON

BARANGAY CA

BUNGA

CABRADILLA

CARAGA REGIONAL HOSPITAL

CHIEF INSPECTOR CHARLIE CABRADILLA

EVIOTA

PRINCESS EVIOTA

SHY

SURIGAO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with