Misis todas sa kidlat
PANGASINAN, Philippines — Isang 42-anyos na babae ang nasawi matapos tamaan ng kidlat sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Buenlag sa bayan ng Binmaley, Pangasinan kamakalawa. Hindi na umabot ng buhay sa Stella Maris Hospital si Melba Carolino na sinasabing magsasaing sana nang kumislap at makasalubong si kamatayan. Ayon sa anak nitong si Jeanne, nasa loob sila ng bahay dahil sa malakas na ulan at sa takot sa buhawi nang maganap ang insidente. Nabatid na wala namang nawasak sa bahay ng pamilya Carolina matapos ang pag-atake ng kidlat. “Hindi namin akalain na matatamaan siya ng kidlat dahil nasa loob na ng bahay,” pahayag ni Barangay Kagawad Nena Soriano.
- Latest
- Trending















