Rebel-returnee itinumba
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Napaslang ang isang 22-anyos na rebel-returnee makaraang pagbabarilin ng mga dating kasama sa kilusan kamakalawa ng hapon sa Barangay Tubli sa bayan ng Caramoan, Catanduanes. Nakilala ang napatay na si Bomfelo Fernandez na sinasabing sumuko sa tropa ng 83rd Infantry Battalion ng Phil. Army noong nakalipas na buwan dahil sa kahirapan sa Makakaliwang kilusan. Sa police report, pauwi na ang biktima nang harangin at ratratin ng apat na kabataang rebelde sa harapan ng barangay plaza.
- Latest
- Trending




















