Pambabato sa mga bus hiling sugpuin

ZAMBALES, Philippines — Nana­wa­­gan ang mga operator ng pampasaherong bus sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan at pamu­nuan ng pulisya na aksyu­nang ma­sugpo ang mada­las na pam­babato sa mga bumibi­ya­heng bus sa ilang bayan sa lala­wigan ng Zambales kung saan na­lalagay sa pa­nganib sa buhay ng mga pasahero.

Ang panawagan ay gi­nawa ni Pocholo Galian, branch manager ng Victory Liner, Inc.-Olongapo City at Zam­bales makaraang tu­maas pa ang bilang ng insi­dente ng pambabato sa mga pampa­saherong bus kum­para noong 2009.

Batay sa reklamo ng mga drayber at konduktor, kada­lasang nagaganap ang pam­babato sa madidilim na bahagi ng highway sa mga bayan ng San Marcelino, San Antonio, San Narciso at sa bayan ng San Felipe sa Zambales.

Hindi lamang mga pam­pasaherong bus ang bina­bato kundi maging mga pri­badong sasakyan na ma­aaring lu­musaw sa imahe ng turismo ng nabanggit na lalawigan.

May ilan na rin pasahero ng Victory Liner ang nasu­gatan sa mga insidente kung saan agad namang nabig­yan ng first aid at kompen­sasyon mula sa kompanya.

Show comments