Negosyo motibo sa pagpatay sa ex-brodkaster

MANILA, Philippines - Hidwaan sa negosyo ang isa sa motibo kaya napatay ang retiradong brodkaster sa Tabuk City, Kalinga noong Sabado ng gabi.

Ito ang inisyal na imbes­tigasyon base sa ulat ng Special Investigation Task Group Daguio na pinamu­munuan ni P/Chief Supt. Villamor Bu­mang­lag sa kaso ng pagpatay kay Jose Daguio, 75.

Ayon kay PNP spokesman P/Senior Supt. Agri­mero Cruz Jr. Si Daguio na nagretiro noong 1986 sa pa­giging brod­kaster sa DZRK Rad­yo ng Bayan sa Tabuk City ay pinag­babaril sa bakuran ng kan­yang taha­nan sa Brgy. Tuga.

Idineklarang patay sa Ka­linga Provincial Hospital ang biktima matapos ta­maan ng bala ng shotgun sa dibdib.

Nabatid na ang biktima ay may proyekto sa public works project sa Tuga Waterworks System sa Brgy. Tuga, kung saan may ma­tin­ding hidwaan kay Ba­rangay Kagawad Elorde Marcelino na nag-realign sa proyekto sa deepwell project.

Kaugnay nito, ipinata­wag na ng mga imbesti­gador si Marcelino para isailalim sa paraffin test at imbesti­gasyon.

Samantala, sinisilip din ang anggulong alitan sa lupa at paghihiganti sa krimen.

Show comments